Martes, Setyembre 16, 2014

Saksi ni Jehovah Nagpatayo ng Bahay Para sa mga Propeta?

Bago po natin puntahan ang ibang mga Ara ng MGA SAKSI NI JEHOVA. Gusto ko muna idiscuss sa inyo ang tungkol sa "Beth Sarim" na ipinatayo ng mga Saksi ni Jehova upang matirhan ng mga Propetang muling mabubuhay. [Nakikita nyo sa Picture] dito natin mapapatunayan na ang mga Saksi ni Jehovah ay mga BULAANG SAKSI



Alam nyo po ba na nagsimula sila ng idea na magtayo ng Beth Sarim dahil sa paniniwala nila na mabubuhay ang mga Propeta? Ganito ang sinasabi ng kanilang Aklat. 

"As we have heretofore stated, the great jubilee cycle is due to begin in 1925. At that time the earthly phase of the kingdom shall be recognized." How would it be recognized? What event would trigger the ushering in of the kingdom? 

"Therefore we may confidently expect that 1925 will mark the return of Abraham, Isaac, Jacob and the faithful prophets of old, particularly those named by the Apostle in Hebrews chapter eleven, to the condition of human perfection" 
[Millions Now Living Will Never Die, pp. 89-90]


Para sa mga Saksi ni Jehovah, ito ay isang nakapananabik na Propesiya o hula nang panahong yaon. Ang mga Saksi sa buong daigdig ay naniniwala sa pagkabuhay na muli o ng pagdating ng mga nabanggit na patriarka at propeta.

Pero gaya ng alam natin, hindi po dumating ang mga Propeta noong 1925 kaya marami ang nadismaya at umalis sa samahan. Pero hindi parin tumigil ang ilan sa mga saksi at muli na naman silang humula at ito ang naging dahilan ng pagtatayo ng Beth sarim. Ganito ang sinasabi ng kanilang Aklat 

"At San Diego, California, there is a small piece of land, on which, in the year 1929, there was built a house, which is called and known as Beth Sarim. The Hebrew words Beth Sarim mean `House of the Princes;' and the purpose of acquiring that property and building the house was that there might be some tangible proof that there are those on earth today who fully believe God and Christ Jesus and in His kingdom, and who believe that the faithful men of old will soon be resurrected by the Lord, be back on earth, and take charge of the visible affairs of earth" 
[Salvation, page 311 ]

At sa isa pang Aklat

“…hence those faithful men of old may be expected back from the dead any day now. The Scriptures give good reason to believe that it shall be shortly before Armageddon breaks.

"In this expectation the house at San Diego, California, which house has been much publicized with malicious intent by the religious enemy, was built, in 1930, and named `Beth-Sarim,' meaning `House of the Princes.' It is now held in trust for the occupancy of those princes on their return" 

[The New World, page 104 ]

Ang masaklap, naghintay po ang mga saksi sa pagdating ng mga Propeta hanggang 1942 pero WALA PONG DUMATING.

Gusto ko pa po ipapansin sa inyo kung PAANO NILOKO NG KANILANG LIDER NOON NA SI Joseph Rutherford ang mga SAKSI.

Sinabi ni Rutherford na inilaan ang Bethsarim sa mga Propeta. Sa katunayan, ang kasunduan o deed (para sa ari-arian) ay naglalaman ng mahahalagang puntong Ipinaliliwanag rito,

“…that the kingdom of God will have visible representatives on the earth who will have charge of the affairs of the nations under the supervision of the invisible ruler Christ; that among those who will thus be the faithful representatives and visible governors of the world will be David, Israel; and Gideon, and Barak, and Samson, and Jepthae, and Joseph, formerly the ruler of Egypt, and Samuel the prophet and other faithful men who were named with approval in the Bible at Hebrews the eleventh chapter.” 

"The condition herein is that the said Watchtower Bible and Tract Society shall hold said title perpetually in trust for the use of any or all of the men above named as representatives of God's kingdom on earth and that such men shall have possession and use of said property hereinabove described as they may deem for the best interest for the work in which they are engaged."
[ deed dated 24 December 1929]

Pero alam nyo bang may clause pala ang kasunduan na ganito ang sinasabi:

"the said Joseph F. Rutherford in such lease or other paper writing shall have the right and privilege of residing on said premises until the same be taken possession of by David or some of the other men herein named and this property and premises being dedicated to Jehovah and the use of his kingdom it shall be used as such for ever"
[ deed dated 24 December 1929 ]


Ang kasunduan na pinirmahan ni Rutherford, ay may tatlong kapansin-pansing nakapaloob dito. 

1. Ang Beth-Sarim ay itinayo sa layuning maging tahanan ng mga patriarka at mga propeta. 

2. Kahit na si Rutherford ay pinahintulutang manirahan sa bahay na yon, siya’y maninirahan lamang doon hanggang sa sinoman na binabanggit sa Hebreo kapitulo onse ay dumating.

3. na ang Beth-Sarim ay mananatili sa kaharian ni Jehova upang gamitin magpakailanman. Kung kaya, ang Watchtower kung gayon ang magmamayari ng ari- ariang ito magpakailanman.


Marahil ay hindi na mahalagang ipaliwanag subalit isa man sa mga nabanggit sa Hebreo ay hindi dumating upang kunin ang pagmamayari ng Beth-Sarim . Kayat ang naging resulta, ginugol ni Rutherford ang mga huling sandali ng kaniyang buhay sa napakagandang mansiyon, habang ang kaniyang mga tagasunod ay nagdurusa sa matinding kahirapan sa panahon ng matinding kapighatian o Great Depression noong panahon ng 1930.

Ang sabi ng kasunduan, mananatili ang bahay sa Watchtower MAGPAKAILANMAN. Pero alam nyo ba kung ano ang nangyari sa bahay na iyon? Basahin sa kanilang aklat.

"Noong 1948 ang bahay ay ipinagbili at ang pagtuturo na may kinalaman sa pagbabalik ng mga lalaki ng una ay matahimik na binitawan [Hindi na itinuro pa kailanman sa mga Saksi] noong 1950” 
( Millions Now Living Will Never Die: A Study of Jehovah’s Witnesses, Alan Rogerson, p. 48)


Hindi na ito itinuro pa sa mga members kaya hindi katakataka na marami sa mga kaanib nila sa kasalukuyang panahon ay wala ni katiting na ideya o kaalaman tungkol sa nangyaring ito sa kasaysayan ng kanilang relihiyon.

Alam nyo bang noong 1975 ang Watchtower Society ay naglabas ng isang aklat na binabanggit ang Beth-Sarim. Subalit, ang mga impormasyon na nakapaloob dito ay AY LALO LAMANG NAGPALALA SA KREDIBILIDAD NG KASAYSAYANG NG MGA SAKSI NI JEHOVA.



Ano ang sinabi ng Aklat tungkol sa Beth Sarim? 

“Sa panahon, isang tuwirang kontribusyon ang isinagawa sa layuning maipatayo ang isang bahay sa San Diego para magamit ni kapatid na Rutherford. Hindi ito naipatayo mula sa gugulin ng Watchtower Society. At may kinalaman nga sa ari-ariang ito sinasabi ng aklat na Salvation na inilathala noong 1939 ang ganito: “Sa San Diego, California, mayroon doong isang maliit na sukat ng lupa, kung saan noong 1929, mayroong ipinatayong bahay, na pinangalanan at nakilalang Beth-Sarim” 
[ 1975 Yearbook of Jehovah's Witnesses, p. 194 ]

Sinasabi ng Watchtower na ipinatayo ang bahay para kay Rutherford, na sa katotohana’y, ayon kay Rutherford mismo, ito’y ipinatayo para sa mga patriarka at mga propetang binabanggit sa Hebreo 11.

At kung paghahambingin natin ang dalawang pahayag maliwanag nating mapatutunayan na ang Watchtower ay NAGSINUNGALING.

Para pagtakpan ang kanilang kahihiyan ay NAGSINUNGALING SILA SA KANILANG MGA MEMBERS. Maraming beses din nilang hinulaan sa nakaraan ang petsa ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, at kung itatanong sa kanila kung kangino nanggagaling ang mga eksaktong petsa na kanilang sinasabi na siyang petsa ng pagparito ni Cristo, Ganito ang sinasabi nila

"We see no reason for changing the figures nor could we change them if we would. They are, we believe, GOD'S DATES, NOT OURS. But bear in mind that the end of 1914 is not the date for the beginning, but for the end of the time of trouble." 
(Watchtower, July 15, 1894, Reprints p. 1677 )

Sa paniniwala ng mga Saksi, ang mga Petsa raw na kanilang sinasabi ay mga PETSA NG DIYOS, kaya daw hindi maaaring baguhin. Hindi ba lalabas niyan na ang Diyos ay maraming beses na nagkamali? Tingnan nga natin sa BIBLIA 

Isaias 46:11
“…aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”

Kung nangako ba ang Diyos ay maaari niya itong ipagpaliban?

2 Pedro 3:9 
“Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.”

Ano naman ang sinasabi ng Diyos sa SA MGA HUMUHULA NA HINDI NAGKATOTOO? Basahin natin ang pahayag mismo ng ating Panginoong Diyos:

Ezekiel 13:6-8 “Sila'y nangakakita ng walang kabuluhan, at sinungaling na panghuhula, na nagsasabi, Sabi ng Panginoon; at hindi sila sinugo ng Panginoon; at kanilang pinaasa ang mga tao na ang salita ay magiging totoo.

Hindi baga kayo nakakita ng walang kabuluhang pangitain, at hindi baga kayo nagsalita ng kasinungalingang panghuhula, sa inyong pagsasabi, Sabi ng Panginoon; yamang hindi ko sinalita?

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't kayo'y nangagsasalita ng walang kabuluhan, at nangakakita ng mga kasinungalingan, kaya't, narito, ako'y laban sa inyo, sabi ng Panginoong Dios”.

Kasalanan sa Diyos ang panghuhula ng hindi nagkakatotoo na sinasabi pang ang Diyos ang nagsabi o nagsalita, at pinapaasa pa ang mga tao na ang hula ay magiging totoo, sabi ng Diyos hindi ko sila mga sinugo, at ako’y laban sa kanila. 

Kung hindi sugo ng Diyos ang mga gumagawa ng ganitong bagay, kaninong sugo kaya sila?

Kayo na po ang sumagot...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento