Alam nyo ba na hindi naniniwala ang mga JW na krus ang pinagpakuan kay Jesus? Gaya ng nakikita ninyo.
[Mula sa aklat ng mga Saksi na “Knowledge That Leads To Everlasting Life” 1995, p67]
[Mula sa aklat ng mga Saksi na “Knowledge That Leads To Everlasting Life” 1995, p67]

Ano daw ang dahilan?
Binago ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang paniniwala sa krus at pinalitan ng tulos ay dahil sa hindi na ito ipinahintulot na gamitin ni Rutherford ng mga kapatid, dahil sa ito raw ay maka-Babilonia. Gaya ng nakikita ninyo sa Picture.
Binago ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang paniniwala sa krus at pinalitan ng tulos ay dahil sa hindi na ito ipinahintulot na gamitin ni Rutherford ng mga kapatid, dahil sa ito raw ay maka-Babilonia.

I-double Click ang larawan at i-zoom para mabasa ng maliwanag ang pahayag ng 1975 Yearbook
Pero alam nyo bang hindi naman iyan ang ORIGINAL na aral ng JW?
Sa kanilang aklat na Harp of God, sa page 112 , na inilathala noong 1921, ay makikita ang larawan ni Cristo na nakapako sa isang krus.
Sa kanilang aklat na Harp of God, sa page 112 , na inilathala noong 1921, ay makikita ang larawan ni Cristo na nakapako sa isang krus.
Ang dating logo ng Watchtower Publication ay isang Krus na May Korona, hindi katulad ngayon na isa nang torre.

At alam niyo ba na maging sa libingan ng kanilang founder na si Charles Taze Russell , sa kaniyang pinakapuntod ay may makikitang krus? Tingnan niyo ito:

Samakatuwid tahasang kinontra ni Rutherford ang simulain ng kanilang founder na si Charles Taze Russel.
Ngayon. Puntahan naman natin ang Biblia.
May mga ebidensiya ba sa mga Banal na Kasulatan na talagang krus ang pinagpakuan kay Cristo? At ito ang magpapatunay na nagkamali ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang paniniwalang ito?
Narito ang Unang katibayan:
Juan 20:25
“Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.”

Malinaw na MGA PAKO. Ibig sabhin po ay hindi po IISANG PAKO ang ginamit sa pagpako sa KAMAY ni Jesus. at madali namang matitiyak na dalawa kasi nga ang sabi:
"Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO,"
Ilan ba ang kamay ni Cristo? hindi ba dalawa? Kaya maliwanag na dalawa rin ang mga pako na lumikha ng butas sa kaniyang mga kamay.
"Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO,"
Ilan ba ang kamay ni Cristo? hindi ba dalawa? Kaya maliwanag na dalawa rin ang mga pako na lumikha ng butas sa kaniyang mga kamay.
Baka naman NAIL ang nakalagay sa BIBLIA NILA kaya hindi nila nakita. Tingnan nga natin.

Ang Bibliang isinalin ng Mga Saksi ni Jehova

Kita ninyo ang banggit “ NAILS ” o "MGA PAKO" rin oh, sa kanila mismong Biblia.
Oh heto pa ang isang ebidensiya:
Matthew 27:37
"ABOVE HIS HEAD they put the written notice of the accusation against him: "This is Jesus, the King of the Jews."
[Good News Bible]
Napakaliwanag ng sinabi ng Biblia na ang karatula na kung saan mababasa ang mga katagang “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Hudiyo.” ay inilagay sa IBABAW NG KANIYANG ULO , at hindi sinabing sa IBABAW NG KANIYANG MGA KAMAY . Kasi kung sa tulos siya ipinako, hindi ba dapat ang karatula ay nasa ibabaw ng kaniyang mga kamay gaya ng Picture na pinapakita nila.

Iba ba ang nakasulat sa Biblia nila?

Kaya napakaliwanag na hindi totoo na si Cristo ay ipinako sa isang Pahirapang Tulos.
Masasabi ba nating relihiyong sa Diyos ang Nagpapapalit-pa lit at nagpapabago-bag o ng aral na itinuturo?
Kawikaan 24:21-22
Kawikaan 24:21-22
“Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU- BAGO ay huwag kang makisama. Sapagkat biglang dumarating mula sa kanila ang kapahamakan, at ang pagkawasak na nagmumula sa kanila ay sinong nakakaalam?”
[Ang Bagong Ang Biblia ]
Sa Diyos po ba ang mga taong PABAGO BAGO?
Kayo na po ang makakasagot...
[Ang Bagong Ang Biblia ]
Sa Diyos po ba ang mga taong PABAGO BAGO?
Kayo na po ang makakasagot...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento