Meron ba tayong mababasa sa BIBLIA na ANG DATING DAAN?
Meron po. Kaya lang ganito ang sinasabi.
Job 22:15
"Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na NILAKARAN NG MASAMANG TAO?"
Yun palang Dating Daan ay Nilakaran ng MASASAMANG TAO. Malinaw po iyan.
Ang Masama ba ay pwedeng magbunga ng MABUTI?
Mateo 7:17-18
"Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ANG MASAMANG PUNONG KAHOY AY NAGBUBUNGA NG MASAMA.
"Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti."
Maliwanag po na sinabi ng BIBLIA na ANG DATING DAAN ay Nilalakaran ng masasamang tao. Ibig sabihin, Kaya malinaw po na nagkamali ang ADD sa paggamit nito.
Pero ang palusot ng mga ADD, Si Eliphaz na temanita daw ang nagsasalita doon kaya nagkamali daw si Eliphaz.

Kaya ilalatag natin, NAGKAMALI nga ba si Eliphaz ng sabihin niyang
"Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na nilakaran ng mga masamang tao?"
Ang palusot po ng ADD si Elipas daw ang nagsasalita kaya hindi pwedeng paniwalaan. Puntahan natin ang kanilang palusot sa Job 42:7 na ganito ang sinasabi:
"Sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita: Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita TUNGKOL SA AKIN ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job."
malinaw daw na napoot ang Diyos kay Elipas dahil sinabi ni Elipas na nilalakaran daw ng masamang tao ang ang dating daan.
Pero batay po sa ating nakita ay WALA naman sinabing ganon.
Bakit po napoot ang Diyos kay Eliphaz? Dahil hindi sila nagsalita ng TUNGKOL SA DIYOS ng Matuwid at Pinagbintangan pa nila si Job na kaya daw siya pinarurusahan ay dahil siya ay MAKASALANAN.
Pero yung sinabi ba si Eliphaz ay Mali? HIndi po!
Dahil kung titingnan natin ang mga sinabi ni Elipas ay ganito
Job 22:12 “ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit”.
v.21 “Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa’t ang mabuti ay darating sa iyo.”
v.22:”Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.”
v.23:”Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan
v.25:”At ang Makapangyarihan
v.27:”Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.”
May mali ba sa mga sinabi ni Elipas? Wala po.
Kaya nung sabihin ni Eliphaz na Masasamang tao ang lumalakad sa ANG DATING DAAN ay TAMA po yun. Napagbintangan niya lang si JOB na LUMALAKAD sa DATING DAAN kahit na HINDI naman.
Kung bibigyan natin ng senaryo ay ganito ang pagkakahalintulad:
Sinabi ko halimbawa sa isang MATUWID NA TAO ang ganito,
"Masamang magnakaw pero bakit nagnanakaw ka?"
Nung sabihin kong masama ang magnakaw, TAMA YUN, ano ang mali?
Mali ako ng sabihin ko yun sa isang matuwid na tao. IBIG SABIHIN PINAGBINTANGAN KO SIYA.
Kaya hindi mali nang sabihin ni ELIPHAZ NA MASAMANG TAO ANG LUMALAKAD SA ANG DATING DAAN.
Kaya malinaw po na NAGKAMALI SI ELI SORIANO SA PAGGAMIT ng "ANG DATING DAAN"
Masasamang TAO po ang dumadaan dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento