Linggo, Setyembre 21, 2014

Ang Kontrahan ng ADD member sa MARCOS 14:50

Ang isa sa bangungot na nangyari sa ADD Leader na si Eli Soriano ay ang maling paliwanag sa Marcos 14:50. Dahil sumikat ito ng sagutin niya ang isang nagtatanong sa kanilang programa kung sino ba ang tumakas sa Marcos 14:50.

May isang member ng ADD na naglakas ng loob na pagusapan ang nasabing talata sa FB kaya kagaya ng laging itinatanong sa kanila, tinanong natin sa nasabing MYEMBRO kung SINO ANG TUMAKAS SA MARCOS 14:50.

Narito ang kanyang sagot:



Bernardo:"..tama po yan, iniwanan naman talaga si Jesus ng lahat ng 

kanyang alagad,"

Iyan ang una niyang statement

Pero alam nyo ba nung ipakita natin na ang Video ni Eli Soriano:




Kung napansin ninyo? Iba ang paliwanag ni ELI SORIANO sa PALIWANAG ni Bernardo Agustin. Lalabas ngayon na kinontra niya ang kanyang lider, kaya ano ang ginawa nya?



 "..HINDI NGA PO TALAGA ANG ALAGAD NIYA ANG TUMAKAS KUNDI YUNG MGA 

TAONG GUSTONG DUMAKIP SA KANYA.."

Binago din ni Bernardo ang kanyang sagot dahil nga mapapahiya siya kapag pinanindigan niya ang una niyang sagot. Pero para makaiwas sa kahihiyan, narito ang kanyang palusot:



Wala daw pong kontrahan sa sinabi niya: at ang matindi pa yung sinabi niya na MAGKAKONTRA daw YUNG VERSE kaya daw dalawa sagot niya? Palusot diba?


Mabuti ay pagtabihin natin ang kanyang mga statement:

Bernardo1: "Marcos 14:50 tumakas

ang mga alagad at iniwan siya.. tama

po yan, iniwanan naman talaga si

Jesus ng lahat ng kanyang alagad,"

vs

Bernardo2: "..HINDI NGA PO TALAGA

ANG ALAGAD NIYA ANG TUMAKAS

KUNDI YUNG MGA TAONG GUSTONG

DUMAKIP SA KANYA.."

vs

Bernardo3: "wala akong paliwanag na

magkakontra, ayon sa nakasulat

pinatotohanan ko yun.."



Kayo na po ang magsabi kung wala nga bang kontrahan,


Sa totoo lang, tama naman sana yung unang sagot niya, kaya lang sa sobrang panatiko niya 

kay Soriano ay sukdulang kontrahin niya ang sarili niya wag lang niya kontrahin si Soriano

Pero this time sagutin natin, SINO BA TALAGA TUMAKAS SA MARCOS 14:50???



Ang palusot ni Bernardo Agustin wala daw kasi mababasa sa KJV na ang mga ALAGAD 

ANG TUMAKAS kya ang kanilang conclusion, HINDI DAW ALAGAD ANG TUMAKAS. kaya 

alamin natin, tutal ay KJV ang gustong niyang salin,



wala nga ba MABABASA sa KJV na MGA  ALAGAD ANG TUMAKAS?



Tingnan natin sa MATEO 26:56 KJV (note: Ito ay katumbas ng pangyayari sa Marcos 


14:49-50)

"But all this was done, that the scriptures of the prophets might be fulfilled. Then ALL THE 


DISCIPLES forsook him, and fled.

Sa BIBLIANG TAGALOG

[Mateo 26:56 DATING SALIN]


"Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga 


propeta. Nang magkagayo'y INIWAN SIYA NG LAHAT NG MGA ALAGAD, AT NAGSITAKAS."


Napakalinaw na mga ALAGAD ang TUMAKAS.




Kaya tama lang ang salin na ito ng MARCOS 14:50 MB


"Tumakas ang lahat ng mga alagad at iniwan siya."



ANO NAMAN ANG GINAWA NG MGA DUMADAKIP KAY JESUS?

[Mateo 26:57 DATING SALIN]


"At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas, na doo'y 

nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda."




Kailan siya dinakip?


Lucas 22:53-54(note:ito ay pangyayari sa Marcos 14:49,53-54)


"Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay 

laban sa akin; datapuwa't ITO ANG INYONG ORAS, at ang kapangyarihan ng kadiliman. At 

KANILANG DINAKIP SIYA, at dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong 

saserdote. Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro. "



HINDI NAMAN PALA TUMAKAS ANG ANG MGA DUMADAKIP, at NANG ORAS DING IYON 

AY DINAKIP SIYA!!!



Kaya mali ang unawa ni Soriano at ng kanyang MAGITING na MYEMBRO.

Pero narito ang palusot ni Bernardo:





Matalino naman ang bumabasa kung totoo ang kanyang sinasabi...

HANGGANG SA MULI...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento