Linggo, Setyembre 21, 2014

Ang Kontrahan ng ADD member sa MARCOS 14:50

Ang isa sa bangungot na nangyari sa ADD Leader na si Eli Soriano ay ang maling paliwanag sa Marcos 14:50. Dahil sumikat ito ng sagutin niya ang isang nagtatanong sa kanilang programa kung sino ba ang tumakas sa Marcos 14:50.

May isang member ng ADD na naglakas ng loob na pagusapan ang nasabing talata sa FB kaya kagaya ng laging itinatanong sa kanila, tinanong natin sa nasabing MYEMBRO kung SINO ANG TUMAKAS SA MARCOS 14:50.

Narito ang kanyang sagot:



Bernardo:"..tama po yan, iniwanan naman talaga si Jesus ng lahat ng 

kanyang alagad,"

Iyan ang una niyang statement

Pero alam nyo ba nung ipakita natin na ang Video ni Eli Soriano:




Kung napansin ninyo? Iba ang paliwanag ni ELI SORIANO sa PALIWANAG ni Bernardo Agustin. Lalabas ngayon na kinontra niya ang kanyang lider, kaya ano ang ginawa nya?



 "..HINDI NGA PO TALAGA ANG ALAGAD NIYA ANG TUMAKAS KUNDI YUNG MGA 

TAONG GUSTONG DUMAKIP SA KANYA.."

Binago din ni Bernardo ang kanyang sagot dahil nga mapapahiya siya kapag pinanindigan niya ang una niyang sagot. Pero para makaiwas sa kahihiyan, narito ang kanyang palusot:



Wala daw pong kontrahan sa sinabi niya: at ang matindi pa yung sinabi niya na MAGKAKONTRA daw YUNG VERSE kaya daw dalawa sagot niya? Palusot diba?


Mabuti ay pagtabihin natin ang kanyang mga statement:

Bernardo1: "Marcos 14:50 tumakas

ang mga alagad at iniwan siya.. tama

po yan, iniwanan naman talaga si

Jesus ng lahat ng kanyang alagad,"

vs

Bernardo2: "..HINDI NGA PO TALAGA

ANG ALAGAD NIYA ANG TUMAKAS

KUNDI YUNG MGA TAONG GUSTONG

DUMAKIP SA KANYA.."

vs

Bernardo3: "wala akong paliwanag na

magkakontra, ayon sa nakasulat

pinatotohanan ko yun.."



Kayo na po ang magsabi kung wala nga bang kontrahan,


Sa totoo lang, tama naman sana yung unang sagot niya, kaya lang sa sobrang panatiko niya 

kay Soriano ay sukdulang kontrahin niya ang sarili niya wag lang niya kontrahin si Soriano

Pero this time sagutin natin, SINO BA TALAGA TUMAKAS SA MARCOS 14:50???



Ang palusot ni Bernardo Agustin wala daw kasi mababasa sa KJV na ang mga ALAGAD 

ANG TUMAKAS kya ang kanilang conclusion, HINDI DAW ALAGAD ANG TUMAKAS. kaya 

alamin natin, tutal ay KJV ang gustong niyang salin,



wala nga ba MABABASA sa KJV na MGA  ALAGAD ANG TUMAKAS?



Tingnan natin sa MATEO 26:56 KJV (note: Ito ay katumbas ng pangyayari sa Marcos 


14:49-50)

"But all this was done, that the scriptures of the prophets might be fulfilled. Then ALL THE 


DISCIPLES forsook him, and fled.

Sa BIBLIANG TAGALOG

[Mateo 26:56 DATING SALIN]


"Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga 


propeta. Nang magkagayo'y INIWAN SIYA NG LAHAT NG MGA ALAGAD, AT NAGSITAKAS."


Napakalinaw na mga ALAGAD ang TUMAKAS.




Kaya tama lang ang salin na ito ng MARCOS 14:50 MB


"Tumakas ang lahat ng mga alagad at iniwan siya."



ANO NAMAN ANG GINAWA NG MGA DUMADAKIP KAY JESUS?

[Mateo 26:57 DATING SALIN]


"At si Jesus ay dinala ng nagsihuli sa kaniya sa dakilang saserdoteng si Caifas, na doo'y 

nangagkakapisan ang mga eskriba at matatanda."




Kailan siya dinakip?


Lucas 22:53-54(note:ito ay pangyayari sa Marcos 14:49,53-54)


"Nang ako'y kasama ninyo sa templo araw-araw, ay hindi ninyo iniunat ang inyong mga kamay 

laban sa akin; datapuwa't ITO ANG INYONG ORAS, at ang kapangyarihan ng kadiliman. At 

KANILANG DINAKIP SIYA, at dinala siya, at ipinasok siya sa bahay ng pangulong 

saserdote. Datapuwa't sa malayo'y sumusunod si Pedro. "



HINDI NAMAN PALA TUMAKAS ANG ANG MGA DUMADAKIP, at NANG ORAS DING IYON 

AY DINAKIP SIYA!!!



Kaya mali ang unawa ni Soriano at ng kanyang MAGITING na MYEMBRO.

Pero narito ang palusot ni Bernardo:





Matalino naman ang bumabasa kung totoo ang kanyang sinasabi...

HANGGANG SA MULI...

Huwebes, Setyembre 18, 2014

Ang Pastor ng Demonyo ayon kay Soriano mismo.



Alam nyo na po na si SORIANO ay PASTOR NG DEMONYO.

Ang mga PAGMUMRA ni ELISEO SORIANO

Marahil ay alam na din ninyo ang mga Pagmumura ni Eli Soriano na MANGANGARAL.



Kung biblia ang tatanungin mabuti ba ang gayon?

Roma, 3:13-14
"Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi: Ang kanilang bibig ay PUNO NG PANUNUMPA AT KAPAITAN:"


Isip isipin ninyo mga kapatid, gnagamit niya ang bibig nya sa pangangaral pero gnagamit din nya sa pagmumura.

Ano ang sinasabi ng biblia tungkol dyan?

Santiago, 3:10
"Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay HINDI NARARAPAT magkagayon."


Maliligtas ba ang mga taong mapagmura?

1 Corinto, 6:10 
"Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga MAPAGTUNGAYAW, ni ang mga manglulupig, ay HINDI MANGAGMAMANA NG KAHARIAN NG DIOS."



Kung siya mismo ay HINDI MALILIGTAS. Magtitiwala ba kayo sa KANIYA?

Miyerkules, Setyembre 17, 2014

Diyos din Eli SORIANO ayon sa kanya MISMO.

Puntahan naman natin ang isa pang KONTROBERSYAL na sinabi ni Soriano na SIYA AY DIYOS DIN.






Eto po ngayon ang NAKAPANGINGILABOT. Alam niyo bang KAMPON NI SATANAS ang NAGPAPAKILALANG DIYOS?

2 Tes. 2:3-4 ABMB"Huwag kayong magpapadaya kaninuman sa anumang paraan. Hindi darating ang araw ng Panginoon hangga't di pa nagaganap ang huling paghihimagsik laban sa Diyos at ang paglitaw ng Suwail na tiyak na mapapahamak. Itataas niya ang kanyang sarili at kakalabanin ang lahat ng kinikilalang diyos at sinasamba ng mga tao. Uupo siya sa Templo ng Diyos at MAGPAPAKILALANG SIYA ANG DIYOS."
Sino ang BINABANGGIT ng BIBLIA na MAGPAPAKILALANG DIYOS?

Ituloy natin sa TALATANG 9

"Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at MGA KAHANGAHANGANG KASINUNGALINGAN,"

Kahangahanga ba magsalita si Soriano? OPO!
Kaya marami siyang napaniwala.

Pero ayon sa ating nabasa, SA DIYOS BA ANG MGA NAGPAPAKILALANG DIYOS?

Kayo na po ang HUMUSGA.

May Puwit ang DIYOS ayon sa ANG DATING DAAN.

sa sa PINAKA KONTROBERSIYAL na ARAL ng ADD na ANG DIYOS AY MAY PUWIT

Source:



Ngayon. Ang paliwanag (PALABO) ng ADD, Ang Diyos daw kasi ay NAKALUKLOK. Paano daw luluklok kung walang puwit?

Puntahan natin ang Biblia

Ano ba ang Katangian ng Diyos?
Juan 4:24 "Ang Diyos ay Espiritu..."

Ano po ibig sabihin ng Espiritu?
Luke 24:39 " Behold my hands and my feet, that it is I myself: handle me, and see; for a spirit hath not flesh and bones, as ye see me have."

Kung gayon, hindi maaaring may Puwet ang Diyos
Eh Paano siya UUPO?

Luke 1:37
English Standard Version
"For nothing will be impossible with God.”

Wala pong imposible sa Diyos, hindi na po natin problema kung paano po Siya uupo.

Eh Paano yung sinabi ng Diyos na lalangin natin ang tao sa kanyang Wangis?

Genesis 1:26-27
"At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. 27At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae."

Kung susundan ang kanilang argument, Edi lilitaw po na kung ano ang meron sa Babae meron din ang Diyos?

HINDI PO!

San ba tayo nilalang ng Diyos?

Ephesians 4:24King James Version (KJV)
"And that ye put on the new man,
which after God is created in righteousness and true holiness."

Ibig sabihin lang noon ay nilalang tayo ng Diyos sa KABANALAN na gaya ng Diyos na Banal. Hindi Physical Appearance ng Diyos ang Pinaguusapan. Dahil ng lalangin ng Diyos ang unang tao, wala pa pong kaalaman ang tao sa mabuti at masama.

KAYA MALI ANG KANILANG UNAWA.

"ANG DATING DAAN", NILALAKARAN NG MASASAMANG TAO AYON SA BIBLIA


Meron ba tayong mababasa sa BIBLIA na ANG DATING DAAN?

Meron po. Kaya lang ganito ang sinasabi.

Job 22:15
"Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na NILAKARAN NG MASAMANG TAO?"


Yun palang Dating Daan ay Nilakaran ng MASASAMANG TAO. Malinaw po iyan.

Ang Masama ba ay pwedeng magbunga ng MABUTI?

Mateo 7:17-18
"Gayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ANG MASAMANG PUNONG KAHOY AY NAGBUBUNGA NG MASAMA. 

"Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti."

Maliwanag po na sinabi ng BIBLIA na ANG DATING DAAN ay Nilalakaran ng masasamang tao. Ibig sabihin, Kaya malinaw po na nagkamali ang ADD sa paggamit nito.

Pero ang palusot ng mga ADD, Si Eliphaz na temanita daw ang nagsasalita doon kaya nagkamali daw si Eliphaz.



Kaya ilalatag natin, NAGKAMALI nga ba si Eliphaz ng sabihin niyang 

"Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na nilakaran ng mga masamang tao?"

Ang palusot po ng ADD si Elipas daw ang nagsasalita kaya hindi pwedeng paniwalaan. Puntahan natin ang kanilang palusot sa Job 42:7 na ganito ang sinasabi:

"Sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita: Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita TUNGKOL SA AKIN ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job."

malinaw daw na napoot ang Diyos kay Elipas dahil sinabi ni Elipas na nilalakaran daw ng masamang tao ang ang dating daan.

Pero batay po sa ating nakita ay WALA naman sinabing ganon.

Bakit po napoot ang Diyos kay Eliphaz? Dahil hindi sila nagsalita ng TUNGKOL SA DIYOS ng Matuwid at Pinagbintangan pa nila si Job na kaya daw siya pinarurusahan ay dahil siya ay MAKASALANAN.

Pero yung sinabi ba si Eliphaz ay Mali? HIndi po!

Dahil kung titingnan natin ang mga sinabi ni Elipas ay ganito

Job 22:12 “ang Dios ay nasa kaitaasan ng langit”.

v.21 “Makipagkilala ka sa kaniya, at ikaw ay mapayapa: anopa’t ang mabuti ay darating sa iyo.”

v.22:”Iyong tanggapin, isinasamo ko sa iyo, ang kautusan mula sa kaniyang bibig, at ilagak mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.”

v.23:”Kung ikaw ay bumalik sa Makapangyarihan sa lahat, ay matatayo ka; kung iyong ilayo ang kalikuan sa iyong mga tolda."

v.25:”At ang Makapangyarihan sa lahat ay magiging iyong kayamanan, at mahalagang pilak sa iyo.”

v.27:”Ikaw ay dadalangin sa kaniya, at kaniyang didinggin ka: at iyong babayaran ang iyong mga panata.” 


May mali ba sa mga sinabi ni Elipas? Wala po.

Kaya nung sabihin ni Eliphaz na Masasamang tao ang lumalakad sa ANG DATING DAAN ay TAMA po yun. Napagbintangan niya lang si JOB na LUMALAKAD sa DATING DAAN kahit na HINDI naman.

Kung bibigyan natin ng senaryo ay ganito ang pagkakahalintulad:

Sinabi ko halimbawa sa isang MATUWID NA TAO ang ganito,

"Masamang magnakaw pero bakit nagnanakaw ka?"

Nung sabihin kong masama ang magnakaw, TAMA YUN, ano ang mali?

Mali ako ng sabihin ko yun sa isang matuwid na tao. IBIG SABIHIN PINAGBINTANGAN KO SIYA.

Kaya hindi mali nang sabihin ni ELIPHAZ NA MASAMANG TAO ANG LUMALAKAD SA ANG DATING DAAN.

Kaya malinaw po na NAGKAMALI SI ELI SORIANO SA PAGGAMIT ng "ANG DATING DAAN"

Masasamang TAO po ang dumadaan dito.

Martes, Setyembre 16, 2014

Aral ng mga Saksi ni Jehova tungkol sa Lupang Paraiso wala sa Biblia

Ang mga SAKSI NI JEHOVA ay may kakaibang paniniwala tungkol sa nalalapit na muling pagparito ni Cristo na siya ring ARAW NG PAGHUHUKOM. Para sa kanila ang LUPA o ang DAIGDIG na ito ay hindi masisira kundi ito’y magiging BAGONG PARAISO. At madalas na iya’y makikita natin sa kanilang mga publikasyon (BANTAYAN at GUMISING at iba pang mga aklat). Isang makulay at napagandang paraiso na kung saan ang mga tao ay maligaya, maamo ang mga hayop, at isang napakagandang daigdig na kung tawagin nga nila’y BAGONG KALAKARAN.

Mga larawang madalas nating nakikita sa kanilang publikasyon
Tungkol sa isang LUPANG PARAISO na mangyayari daw sa ating daigdig
sa KAARAWAN NI JEHOVA


At siyempre upang makahikayat ng tao at patunayan na ang paniniwala nilang ito’y totoo, sila’y gumagamit din ng Biblia, bagamat walang mababasang tuwiran o diretsahan sa Biblia tungkol sa isang BAGONG PARAISONG DAIGDIG, ay may mga talata silang ginagamit na tumutukoy daw dito, narito ang isa:

Ecclesiastes 1:4
“Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”

Ginagamit nila ang talatang ito upang patunayan na ang mundong ito diumano ay hindi WAWASAKIN ni JEHOVAH at ito’y gagawing isang BAGONG PARAISO.

Kaya nga ang mga matatapat na mga SAKSI raw na hindi kabilang sa 144,000 [mga tanging tao lamang na aakyat sa langit] ay magmamana ng LUPANG PARAISONG ito, at may ginagamit din sila siyempreng talata:

Mateo 5:5
“Mapapalad ang maaamo: sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA.”

Na iniuugnay din nila sa talatang ito:

Awit 37:29
“MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”

Subalit kahit ang mga kaibigan nating mga SAKSI NI JEHOVAH ay hindi tututol na sa Biblia ay WALANG SALUNGATAN o WALANG KONTRADIKSIYON.

Bakit po natin nasabi iyon? kasi may sinabi ang PANGINOONG JESUCRISTO na ganito eh:

Mateo 24:35 
“ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”

Kung ang LUPA AY LILIPAS sabi ni Cristo, bakit sabi sa Ecclesiastes 1:4 ang LUPA AY MANANATILI? Hindi ba lalabas niyan na KINONTRA NI CRISTO ang sinabi sa aklat na iyon?


Subalit gaya nga ng ating nasabi na, na sa Biblia kailan man ay hindi magkakaroon ng KONTRADIKSIYON.

Samakatuwid ang tinutukoy ni CRISTO na LUPANG LILIPAS ay iba sa LUPANG sinasabi sa Ecclesiastes na LUPANG MANANATILI. Kasi nga kung sasabihin na pareho sila ng LUPA na tinutukoy lalabas ngayon na ito’y isang NAPAKALAKING SALUNGATAN o KONTRADIKSIYON.

Kaya ating liwanagin, alin ba iyong LUPA na binabanggit ni Cristo na lilipas, at papaano ba ito lilipas?

2 Pedro 3:10
“Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, AT ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG.”

2 Pedro 3:7
“Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ANG LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Maliwanag kung gayon na ang lupang tinutukoy ni Cristo na lilipas ay ang DAIGDIG na ito na ating tinitirhan ngayon, ito ay WAWASAKIN ng Diyos sa pamamagitan ng PAGSUNOG dito, na ito nga ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM o iyong PAGLIPOL SA LAHAT NG TAONG MASAMA.

At ang sinabing ito ni Apostol Pedro ay suportado mismo ng Panginoong Diyos, ganito ang sabi sa aklat ng Propetang si Zefanias:

Zefanias 1:2  “AKING LUBOS NA LILIPULIN ANG LAHAT NA BAGAY SA IBABAW NG LUPA, SABI NG PANGINOON.”

Zefanias 1:3  “Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.”

Zefanias 1:14  “Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.”

Zefanias 1:15  “Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,”

Zefanias 1:18  “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ANG BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY NG KANIYANG PANINIBUGHO: SAPAGKA'T WAWAKASAN NIYA, OO, ISANG KAKILAKILABOT NA WAKAS, NILANG LAHAT NA NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”

Kaya maliwanag na NAGKAMALI ng PAGKAUNAWA ang mga KAIBIGAN nating mga SAKSI NI JEHOVA. Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na LUPA NA MANANATILI ay HINDI ang DAIGDIG na ito, maliwanag na maliwanag na ang MUNDONG ITO AY WAWASAKIN AT WAWAKASAN NG DIYOS…ISANG MALINAW NA KATIBAYAN NA HINDI ITO ANG LUPANG TINUTUTUKOY NA MANANATILI SA Ecclesiastes 1:4.

Eh kung gayon ano iyong LUPANG MANANATILI na tinutukoy sa aklat ng Ecclesiastes na siya ring sinasabi na mamanahin sa Mateo 5:5 at Awit 37:29?

Hebreo 11:16  “NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Ang LUPA o LUPAIN na sinasabing MANANATILI magpakailan man na MAMANAHIN ng mga MALILGTAS ay ang MAS LALONG MAGALING NA LUPAIN NA NASA LANGIT.

Hindi ang lupa o ang daigdig na ito ang ibibigay sa mga maliligtas upang kaniyang tahanan magpakailanman kundi ang BAGONG LANGIT at ang BAGONG LUPA ang BAYANG BANAL, ang BAGONG JERUSALEM.

Apocalypsis 21:1-4  “AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT ANG DAGAT AY WALA NA.  AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ANG DIOS DIN AY SASA KANILA, AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”

Ito ang MALUWALHATING TAHANAN na MAMANAHIN ng mga MALILIGTAS, nasa LANGIT ito ngayon, at mananaog ito pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, ang BAYANG BANAL, na siyang inihanda ng DIYOS upang TAHANAN ng TAO MAGPAKAILAN MAN.

Kaya nakalulungkot isipin na ang IPINAPANGAKONG KALIGTASAN ng mga SAKSI NI JEHOVA ay isang DAKO na sa KATOTOHANAN ay LILIPULIN ng Diyos, at hindi gagawing BAGONG LUPANG PARAISO, na gaya ng kanilang PANINIWALA na hindi naman mababasa sa BIBLIA.

Ang katotohanan sa likod ng LIBINGAN NG FOUNDER ng SAKSI NI JEHOVA

Marami pong mga JW na hindi po alam o walang Idea kung bakit Pyramid ang pinaglibingan sa kanilang Founder na si Charles Russel gaya ng nakikita ninyo sa ibaba.


Noong nabubuhay pa ang kanilang Founder, very fascinated po siya sa Egyptian Symbolism na Great Pyramid of Giza. Ito din ang pinagkuhanan nya ng mga HULA. 

"In the passages of the Great Pyramid of Gizeh the agreement of one or two measurements with the present-truth chronology might seem accidental, but the correspondency of dozens of measurements proves that the same God designed both pyramid and plan..." 
( Watchtower 1922 June 15 p.187)

Pansinin ninyo na ang Diyos daw po ang nagdesign at nagplano ng Pyramid of Giza. Importante po na matandaan nyo yun dahil mamaya ay magugulat po kayo sa kanilang mga susunod na statements.


Sa isang Aklat na isinulat ni Russel, tinindigan nya na 1874 ANG BEGINNING OF TROUBLE base diumano sa Measurement ng Pyramid. 

"So, then, if we measure backward down the "First Ascending Passage" to its junction with the "Entrance Passage," we shall have a fixed date to mark upon the downward passage. This measure is 1542 inches, and indicates the year BC 1542, as the date at that point. Then measuring down the "Entrance Passage" from that point, to find the distance to the entrance of the "Pit," representing the great trouble and destruction with which this age is to close, when evil will be overthrown from power, we find it to be 3416 inches, symbolizing 3416 years from the above date, BC 1542. This calculation shows AD. 1874 as marking the beginning of the period of trouble; for 1542 years BC plus 1874 years AD. equals 3416 years. Thus the Pyramid witnesses that the close of 1874 was the chronological beginning of the time of trouble such as was not since there was a nation -- no, nor ever shall be afterward. And thus it will be noted that this "Witness" fully corroborates the Bible testimony on this subject..."
(Charles Taze Russell, Thy Kingdom Come, Studies In The Scriptures, vol. 3, 1904 edition).

Pero alam niyo bang sa 1910 Edition ng Parehong Aklat ay BINAGO din ni Russel ang petsa from 1874 to 1914. Basahin natin. 

"So, then, if we measure backward down the "First Ascending Passage" to its junction with the "Entrance Passage," we shall have a fixed date to mark upon the downward passage. This measure is 1542 inches, and indicates the year BC 1542, as the date at that point. Then measuring down the "Entrance Passage" from that point, to find the distance to the entrance of the "Pit," representing the great trouble and destruction with which this age is to close, when evil will be overthrown from power, we find it to be 3457 inches, symbolizing 3457 years from the above date, BC 1542. This calculation shows AD. 1915 as marking the beginning of the period of trouble; for 1542 years BC plus 1915 years AD. equals 3457 years. Thus the Pyramid witnesses that the close of 1914 will be the beginning of the time of trouble such as was not since there was a nation -- no, nor ever shall be afterward. And thus it will be noted that this "Witness" fully corroborates the' Bible testimony on this subject..."
(Charles Taze Russell, Thy Kingdom Come, Studies In The Scriptures, vol. 3, 1910 edition).

Bukod sa Pabago bago ang date na binibgay ni Russel, ang mga hula na kanyang binibigay ay NAKABATAY SA PAGAN STRUCTURE. Pero alam nyo bang hindi lang si Russel ang gumamit ng Pyramid sa Panghuhula? Marami pong MGA KULTO ANG GUMAMIT NITO. 

"The most intense speculation has always stemmed from the dozens of occult groups who see the pyramids as a source of immense, untapped power waiting to be released. In the late 1800's and early 1900's, occult organisations like `The Golden Dawn' used many of the trappings and imagery associated with ancient Egypt, from the hierarchy of priests to the modes of dress. Self-appointed magicians, for example the notorious `Great Beast' Aleister Crowley (himself a former leader of the Golden Dawn), styled his workings and ceremonies after the manner of the Egyptians." 
(The Giza Enigma, http://seekers.100megs6.comthe/%20giza%20enigma.htm )

Pero ito ang KAGIMBAL GIMBAL. Kanina ay pinatandaan ko sa inyo na ang Diyos daw ang nagdesign ng PYRAMID pero alam nyo bang KINONTRA yun ng KANILANG LIDER NA SI JOSEPH RUTHERFORD? Narito ang kanyang sinabi. 

"It is more reasonable to conclude that the great pyramid of Gizeh, as well as the other pyramids thereabout, also the sphinx, were built by the rulers of Egypt and UNDER THE DIRECTION of SATAN the Devil... THEN SATAN PUT HIS KNOWLEDGE IN DEAD STONE, which may be called Satans' Bible, and NOT GOD'S STONE WITNESS.." 
(Watchtower 1928, November 15 p.344)

Lumalabas ngayon na si Russel ay sa DEMONYO ayon na din sa kanila mismo. Marami silang hula ng PAGDATING NI JESUS NA HINDI NAGKATOTOO. Ano po ang BABALA ng Panginoong Jesus sa atin?

Marcos, 13:21-23
"At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; HUWAG NINYONG PANIWALAAN: 

Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at MGA BULAANG PROPETA, at MANGAGPAPAKITA NG MGA TANDA at mga kababalaghan, upang MAILGAW nila, kung mangyayari, ang mga hirang. 


Datapuwa't mangagingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay."

Kawawa po ang mga JW NA NAILIGAW NG BULAANG PROPETA...

Hindi nga ba KRUS ang PINAGPAKUAN Kay Jesus Ayon sa mga SAKSI NI JEHOVA?

Alam nyo ba na hindi naniniwala ang mga JW na krus ang pinagpakuan kay Jesus? Gaya ng nakikita ninyo.

[Mula sa aklat ng mga Saksi na “Knowledge That Leads To Everlasting Life” 1995, p67]


Ano daw ang dahilan?

Binago ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang paniniwala sa krus at pinalitan ng tulos ay dahil sa hindi na ito ipinahintulot na gamitin ni Rutherford ng mga kapatid, dahil sa ito raw ay maka-Babilonia. Gaya ng nakikita ninyo sa Picture.

I-double Click ang larawan at i-zoom para mabasa ng maliwanag ang pahayag ng 1975 Yearbook

Pero alam nyo bang hindi naman iyan ang ORIGINAL na aral ng JW?

Sa kanilang aklat na Harp of God, sa page 112 , na inilathala noong 1921, ay makikita ang larawan ni Cristo na nakapako sa isang krus.


Ang dating logo ng Watchtower Publication ay isang Krus na May Korona, hindi katulad ngayon na isa nang torre.


At alam niyo ba na maging sa libingan ng kanilang founder na si Charles Taze Russell , sa kaniyang pinakapuntod ay may makikitang krus? Tingnan niyo ito:


Samakatuwid tahasang kinontra ni Rutherford ang simulain ng kanilang founder na si Charles Taze Russel.

Ngayon. Puntahan naman natin ang Biblia.

May mga ebidensiya ba sa mga Banal na Kasulatan na talagang krus ang pinagpakuan kay Cristo? At ito ang magpapatunay na nagkamali ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang paniniwalang ito? 

Narito ang Unang katibayan:

Juan 20:25
“Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng MGA PAKO, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.”

Malinaw na MGA PAKO. Ibig sabhin po ay hindi po IISANG PAKO ang ginamit sa pagpako sa KAMAY ni Jesus. at madali namang matitiyak na dalawa kasi nga ang sabi: 

"Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng MGA PAKO," 

Ilan ba ang kamay ni Cristo? hindi ba dalawa? Kaya maliwanag na dalawa rin ang mga pako na lumikha ng butas sa kaniyang mga kamay.

Baka naman NAIL ang nakalagay sa BIBLIA NILA kaya hindi nila nakita. Tingnan nga natin. 

Ang Bibliang isinalin ng Mga Saksi ni Jehova


Kita ninyo ang banggit “ NAILS ” o "MGA PAKO" rin oh, sa kanila mismong Biblia.

Oh heto pa ang isang ebidensiya:

Matthew 27:37 
"ABOVE HIS HEAD they put the written notice of the accusation against him: "This is Jesus, the King of the Jews."
[Good News Bible]


Napakaliwanag ng sinabi ng Biblia na ang karatula na kung saan mababasa ang mga katagang “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Hudiyo.” ay inilagay sa IBABAW NG KANIYANG ULO , at hindi sinabing sa IBABAW NG KANIYANG MGA KAMAY . Kasi kung sa tulos siya ipinako, hindi ba dapat ang karatula ay nasa ibabaw ng kaniyang mga kamay gaya ng Picture na pinapakita nila.

Iba ba ang nakasulat sa Biblia nila?


Kaya napakaliwanag na hindi totoo na si Cristo ay ipinako sa isang Pahirapang Tulos.

Masasabi ba nating relihiyong sa Diyos ang Nagpapapalit-palit at nagpapabago-bago ng aral na itinuturo?

Kawikaan 24:21-22
“Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU- BAGO ay huwag kang makisama. Sapagkat biglang dumarating mula sa kanila ang kapahamakan, at ang pagkawasak na nagmumula sa kanila ay sinong nakakaalam?”
[Ang Bagong Ang Biblia ]


Sa Diyos po ba ang mga taong PABAGO BAGO?

Kayo na po ang makakasagot...
EditedLike3MoreSep 2