Miyerkules, Disyembre 24, 2014

Malaya na tayo sa Kautusan ng Sabbath


Alam po natin na ang mga Paglabag sa Pangilin ng Sabbat ay Kamatayan. 
Ano katunayan? Kung babasahin ang Exodo ay may ganitong sinasabi:

Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: SINOMANG GUMAWA NG ANOMANG GAWA SA ARAW NA IYAN AY PAPATAYIN.” (Exo.35:2)

Pero iyan po ay binago na ni Jesus. Ano katunayan?

Mateo, 12:12
"...Kaya't matuwid na GUMAWA NG MABUTI SA ARAW NG SABBATH."


Ang sabi sa Exodo: WAG GAGAWA NG ANOMAN.

Ang sabi ni Jesus: GUMAWA NG MABUTI SA ARAW NG SABBATH.

Kaya nga PINAG USIG si Jesus ng mga judio:

At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.”
( Juan 5:16) 

Nagkakasala nga ba si Jesus at mga Apostol sa HINDI NILA PANGINGILIN NG SABBATH?

Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang kasayahan, mga kapistahan, mga araw ng pangilin at lahat ng itinakda niyang pagdiriwang” (Oseas 2:11 MBB)

Hindi magiging kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga alagad ang hindi nila pangingilin ng Sabbath. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan na winakasan na ng Dios ang mga pangingilin ng mga araw. Aling mga araw ng pangingilin ang tinutukoy na winakasan na ng Dios?

“Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.” (Oseas 2:11)

Tiniyak na ang mga araw ng pangingilin na winakasan na ng Dios ay ang Sabbath. Kaya kung ang pangingilin ng Sabbath ay winakasan na ng Dios, hindi magiging kasalanan ni Cristo at ng Kaniyang mga alagad ang hindi nila pangingilin nito Hindi maituturing na ito’y paglabag sa kautusan.

Ito din ang dhilan kung bakit may Bagong Tipan na dahil hindi na tayo sakop ng Titik na nakakamamatay.

2 Mga Taga-Corinto, 3:6
"Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay."


Tayo po ay nasa Esipiritu na. Wala na sa titik na pumapatay.

2 Mga Taga-Corinto, 3:7
"Nguni't kung ang pangangasiwa ng kamatayan, na nasusulat, at nauukit sa mga bato, ay nangyaring may kaluwalhatian, ano pa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises, dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha; na ang kaluwalhatiang ito'y LUMILIPAS"

2 Mga Taga-Corinto, 3:17

"Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu: at kung saan naroroon  nang Espiritu ng Panginoon, doon ay may kalayaan."


Pinalaya na po tayo ni Jesus

Mga Taga-Galacia, 5:1
"Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin."


Kaya nga ganito ang SUMBAT NI PABLO SA MGA ALIPIN PARIN NG SABBATH.

“ Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, BAKIT NANGAGBABALIK KAYO DOON SA MAHIHINA AT WALANG BISANG MGA PASIMULANG ARAL, NA SA MGA YAO'Y NINANASA NIYONG MAGBALIK SA PAGKAALIPIN?IPINANGINGILIN NINYO ANG MGA ARAW, AT MGA BUWAN, AT MGA PANAHON, AT MGA TAON.  Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan”
(Gal.4:9-11)

Kaya huwag nating hayaang mawalan ng kabuluhan ang mga pagpapagal ng Apostol para sa atin.

Tayo po ay MALAYA NA na kautusan ng Sabbath.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento