Huwebes, Disyembre 4, 2014

Ang kahulugan ng pinaka kontrobersyal na talata ng biblia. Rev. 13:18

Pahayag, 13:18 - Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay BILANGIN ang bilang ng hayop; SAPAGKA'T SIYANG BILANG NG ISANG TAO: at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu't anim."

Maliwanag po na Tao po ang tinutukoy sa hulang ito, Kapag binasa po natin sa english:

Revelations 13:18 “ This calls for wisdom. Whoever is intelligent can figure out the meaning of the number of the beast, because the number STANDS FOR THE NAME OF SOMEONE. Its number is 666. ” [Good News Translation]

Name o Pangalan po ng isang tao ang hinuhulaan sa hulang ito pero marami pong sapantaha ang iba sa kung sino ba talaga ang tinutukoy dito kaya alamin pa natin ang iba pang clues na binibigay ng biblia.


Pahayag, 13:11 "At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon."

IBANG HAYOP NA UMAAHON SA LUPA, (iba ito sa unang hayop pero taglay ang kapangyarihan ng unang hayop)

1.May DALAWANG SUNGAY
2.GAYA NG KORDERO
3.NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON


Dagdagan pa po natin ang mga clues

Pahayag, 13:14-15 

"At NADADAYA NIYA ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na DAPAT SILANG GUMAWA NG ISANG LARAWAN NG HAYOP NA MAYROON NG SUGAT NG TABAK AT NABUHAY. At siya'y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop, upang ang larawan ng hayop ay makapangusap, at MAIPAPATAY NAMAN ANG LAHAT NG HINDI SUMASAMBA SA LARAWAN NG HAYOP."

Gagawa sila ng LARAWAN NG HAYOP NA MAY SUGAT NG TABAK AT NABUHAY

Papatayin ang hindi sumasamba dito.

Ito pa po ang isa pang clue:

Pahayag, 13:16 - "At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;"

Tanda sa kanang kamay o noo.

Ang last Clue po ay:


Rev.13:17 "Ang may tatak lamang ng mabangis na hayop ang makakabili o ang makakapagbili. Dapat ay taglay nila ang tatak o ang pangalan o ang bilang ng pangalawang mabangis na hayop."

Narito po ang summary ng mga Palatandaang ibinigay ng biblia:

1.Pangalan ng isang TAO
2.MAY DALAWANG SUNGAY
3.GAYA NG KORDERO
4.NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON
5.GAGAWA NG LARAWAN NG HAYOP NA MAY SUGAT NG TABAK AT NABUHAY
6.IPAPATAY NIYA ANG HINDI SASAMBA SA LARAWAN
7.MAGBIBIGAY O MAGUUTOS NG TANDA SA NOO O KANANG KAMAY
8.HINDI MAKAKABILI O MAKAPAGBIBILI ANG WALANG TATAK.


Ang tinutukoy po ng hulang ito ay ang Papa ng Iglesia Katolika.

Marahil ay magtataka kayo at magtatanong kung gaano po kasigurado ang ating sinasabi lalo na ang hulang ating pinagaaralan ay may ibat ibang paniniwala.

Maraming nagsasabing ito daw ay ang Amerika, Presidente ng Amerika, meron din nagsasabing si Saddam Huseein daw ito o di kaya ay ang Relihiyong Islam.

Bago po natin bigyan ng ibat ibang sapantaha ay dapat natin masiguro na ang mga clues na ibinigay ng biblia ay tumutukoy talaga sa kanya. Hindi po pwedeng nakatsamba lang ng isa, dalawa o tatlo ay ipapalagay na natin na siya ang tinutukoy. Dapat po ay LAHAT dahil matalino po ang Diyos na nagbigay ng mga palatandaan, mayroon siyang partikular na tinutukoy kaya niya ibinigay ang lahat ng clues na ating inilatag.

Unahin po natin yung Symbolical Meaning ng salitang Hayop

Ang hayop kasi sa revelations ay may simbolical meaning. Ang simbolical meaning nito ay HARI.

Daniel, 7:17 - "Ang mga dakilang HAYOP na ito na apat, ay apat na HARI, na magbabangon sa lupa."

Hayop = HARI


Kaya hindi ito literal na hayop.

MAY DALAWANG SUNGAY

Ang sungay ayon sa Biblia ay Kalakasan, kaya ang taong tinutukoy na may bilang na 666 na may dalawang sungay ay nagtataglay ng dalawang kalakasan. Ano ba ang ibig sabihin ng Kalakasan , kung ating babasahin sa Bibliang English ay ganito ang nakalagay:

Amos 6:13 “Ye which rejoice in a thing of nought, which say, Have we not taken to us HORNS by our own STRENGTH ?” [ King James Version]

Samakatuwid ang Kalakasan ay Strength sa English, na may meaning na:

STRENGTH - That property or quality of an animal body by which it is enabled to move itself or other bodies. We say, a sick man has not strength to walk, or to raise his head or his arm. We say, a man has strength to lift a weight, or to draw it. This quality is called also POWER and FORCE.” [Webster’s 1828 Dictionary]

Makikita sa Dictionary na ang kasing kahulugan ng salitang Strength o Kalakasan ay POWER and FORCE o KAPANGYARIHAN at PUWERSA. Kaya sa madaling salita ang hinuhulaan dito ay isang tao na may DALAWANG URI NG KAPANGYARIHAN, iyon ang tinutukoy na DALAWANG SUNGAY. 

Ilan ba at anu- ano ang KAPANGYARIHAN ng Papa? Sasagutin tayo ng isang Cardinal ng Iglesia Katolika:

“The Popes were not only devoted SPIRITUAL FATHERS, but firm and valiant CIVIL GOVERNORS…”

[ Faith of Our Fathers, by James Cardinal Gibbons, p. 113]

Pinatutunayan ng Cardinal ng Iglesia Katolika na ang Papa ay nagtataglay ng dalawang uri ng Kapangyarihan:

KAPANGYARIHANG SPIRITUAL at
KAPANGYARIHANG PAMPULITIKA,

kapuwa saklaw ng Papa ang pamamahala sa Relihiyon at sa Gobiyerno. Pasok ang Papa sa unang katangian.

KATULAD NG ISANG KORDERO

Katulad ng isang Kordero 
Sino ba ang Kordero na binabanggit sa Biblia?

Juan 1:29 “Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!”

Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ang Cordero ng Diyos, samakatuwid siya ang gagayahin ng taong hinuhulaan sa Apocalypsis.

"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA.

Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario."
[Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, Page 195 ]

Kaya pasok na naman sa ikalawang katangiang ibinigay ng Biblia ang Papa.

NAGSASALITANG GAYA NG DRAGON


Sino ba ang Dragon na ang salita nito ang gagayahin ng taong may bilang na 666

Apocalypsis 20:2 “At sinunggaban niya ang DRAGON, ang matandang ahas, na siyang DIABLO at SATANAS, at ginapos na isang libong taon,”

Ang salita ng Dragon o ng Diablo at Satanas ang sasalitain ng taong ito, samakatuwid magtuturo siya ng aral ng Demonio, na ano ang mga ito?

1 Timoteo 4:1 “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa MGA ARAL NG MGA DEMONIO,”

1 Timoteo 4:3 “NA IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, AT IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.”


Ang taong hinuhulaan ay magtuturo ng Pagbabawal ng pag-aasawa at paglayo o pagbabawal sa pagkain ng lamangkati o karne. Na mga aral ng demonio na katumbas ay salita ng Dragon. Na kapuwa natupad sa Iglesia Katolika dahil sa ito ang itinuro sa kanila.

"Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat pa sa pasimula, sa pamamagitan ng PAGBABAWAL sa mga Sacerdote (o pari) NA MAG-ASAWA pagkatapos na sila'y maordena."

[Pananampalataya ng Ating mga Ninuno, sinulat ni James Cardinal Gibbons, tinagalog ng Paring si Rufino Alejandro, Page 396 ]

"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at HUWAG KUMAIN NG ANOMANG LAMANGKATI O KARNE sa mga araw ng ipinagbabawal niya ."

[Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, sinulat ng Paring si Enrique Demond, Page 139 ]

Tupad na tupad sa Papa ang pangatlong katangiang ibinigay ng biblia.

GAGAWA NG LARAWAN NG HAYOP NA MAY SUGAT NG TABAK AT NABUHAY


Pahayag, 13:14 "At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya'y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa, na dapat silang gumawa ng ISANG LARAWAN NG HAYOP NA MAYROON NG SUGAT NG TABAK AT NABUHAY." 

Anong relihiyon ba ang nagpasamba sa larawang ito? Diba't ang Iglesia Katolika din?




IPAPATAY NIYA ANG SINUMANG HINDI SASAMBA SA LARAWAN

"Ang Iglesia (Katolika )ay hindi makaiiwas sa pananagutan ukol sa paggamit ng pagpapahirap ni sa pagsunog ng mga biktima sa tulos. Ang Iglesia sa katauhan ng kaniyang mga pontipise ang nananagot sa paggamit ng pagpapahirap; ang malupit na gawaing ito ay pinasimulan ni Inocencio IV noong 1252... Pinagsisikapan ng pontipise na ipagtanggol ang paggamit ng pagpapahirap sa pamamagitan ng pagtuturing sa mga erehe bilang mga magnanakaw at mamama-tay-tao, paghahalintulad lamang ang kanyang tanging batayan.Ang batas na ito ni Inocencio IV ay muling pinairal at pinatibay ni Alejandro IV noong ika-30 ng Nobyembre,1259, at Clemente IV noong ika-3 ng Nobyembre,1265. Ni hindi makaiiwas ang Iglesia(katolika)sa pananagutan ukol sa pagpapasunog ng mga erehe sa tulos hanggang sa mamatay. Ang pagkukunwari lamang na ibigay ang biktima sa kapangyarihang sekular ay hindi makapaglilingid sa katotohanang ang mga papa ay paulit-ulit na nagpilit sa ilalim ng pagbabantang pagtitiwalag at pagbabawal sa mga pinuno, na igawad ang kaparusahang kamatayan sa mga erehe. (KASAYSAYAN NG IGLESIA.,p.47)

Libo libong erehe ang ipinapatay ng mga katoliko ayon sa kasaysayan.

MAGBIBIGAY O MAGUUTOS NG TANDA SA NOO O KANANG KAMAY


"ANG TANDA NG SANTA KRUS"
"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nang hinlalaki ng kanyang KAMAY; ang una'y sa NOO, ang ikalawa ay sa bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.."

(Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, p.11)

Ang katoliko po ang mapapansin natin na nagaantanda sa Noo gamit ang KANANG KAMAY. Kaya nga malalaman natin na Katoliko ang isang tao kapag nagaantanda siya sa tuwing napapadaan sa kanilang simbahan. At wala po tayong makikitang nagaantanda na gamit ang kaliwang kamay, lagi pong KANANG KAMAY.

HINDI MAKAKABILI O MAKAPAGBIBILI ANG WALANG TATAK.

Natupad din ito sa iglesia Katolika sa pangunguna ng kanilang Papa

"Thus a canon of the Lateran council, under Pope Alexander III., commanded that no man should entertain or cherish them in his house or land, or traffic with them (Hard. vi., 2:1684). The synod of Tours, under the same Pope Alexander, passed the law that no man should presume to receive or assist the heretics, no, not so much as to exercise commerce with them in selling or buying. And so, too, the Constance council as expressed in Pope Martin‘s bull"(Elliott, vol. 3, pp. 220,221).

Kaya masasabi natin na talagang ang Papa ng mga Katoliko ang katuparan ng hula ng Biblia.

Puntahan na natin ang pinakahuling Palatandaan, ang 666 na bilang ng kaniyang pangalan.

Sa isang lathalain ng Katoliko ay may ganitong mbabasa:


“What are the letters supposed to be in the Pope’s crown, and what do they signify, if anything? The letters inscribed in the pope’s mitre are these: VICARIUS FILII DEI, which is the Latin for Vicar of the Son of God…"

[ Our Sunday Visitor, Bureau of Information section, page 3, April 18, 1915 Issue]

Ang mga katagang VICARIUS FILII DEI, ay nakasulat sa Korona na isinusuot ng Papa sa Roma, ito’y nilinaw sa atin ng Pahayagang Katoliko Ang koronang ito ay tinawag na Papal Tiara , o Tri- Crown, sapagkat ito’y tatlong korona na magkakapatong.




Kaya kung ating babalikan ang sinabi ng talata: “ Dito'y may karunungan. Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop; sapagka't siyang bilang ng isang tao:” kaya ating bilangin o sumahin kung ang titulong ito nga ay may katumbas ng bilang na Anim na raan at anim na pu’t anim.

Sabi ng Biblia gamitan ng karunungan, dahil may mga letra o titik na may katumbas na bilang o numero kaya gagamitin natin ang ating karunungan o kaalaman sa pagsasalin ng Roman Numerals sa Hindu-Arabic numbers gaya nito:

Kaya ang VICARIUS FILII DEI ay magiging:


Syempre dahil nabuking ang Papa na 666 ang katumbas ng VICARIUS FILII DEI”, hnd na po isinuot ng papa ang koronang iyon.

Pero kahit na NAKALAGAY PA SA KORONA O HINDI ANG NASABING TITULO, hindi naman iyon ang MAHALAGA, dahil hindi naman talaga ang KORONA ANG TINUTUKOY NG BIBLIA EH, KUNDI IYONG PANGALAN NA IKAKIKILALA SA TAONG INIHAMBING SA HAYOP. ANG VICARIUS FILII DEI, ay katagang ipinantatawag sa PAPA, at dagdag pa dito ang mga KATANGIANG IPINAKITA SA ATIN NG BIBLIA NA PAGKAKAKILANLAN SA TAONG HINUHULAAN na atin nang natalakay.

ANG MAHALAGA INAAMIN NILA NA TALAGANG TITULO ITO NG PAPA, NA IPINANTATAWAG SA KANIYA

Kumuha pa tayo ng PRUWEBA mula sa mga DOKUMENTONG KATOLIKO:

“Et quantum ad primum, CUM PAPA SIT VICARIUS FILII DEI, sicut quod Deus fecit mediantibus creaturis tanquam mediantibus causis secundis, totus potus facere immediate per seipsum, ita papa saltem quantum ad potestatem jurisdictionis. Sicut omnes fideles regit mediantibus ecclesiae ministris, ita potest immediate per seipsum regere.
[Volume 3 of SUMMA THEOLOGICAE by the Archbishop of Florence, Saint Anthony (1389 - 1459), was published in Venice. Title 22, chapter 5, section 16 ]

English Translation: “After God's Chief Apostle has given his approbation, ... with which it is evident the Roman Emperor is lord or universal protector of Christians, etc., ... supreme power is from God, AND NEXT THE POPE, WHO IS THE VICAR OF THE SON OF GOD.”


KAYA NGA MASASABI NATIN NGAYON NA:
HINDI MAHALAGA KUNG NAKASULAT MAN O HINDI SA KORONA NG PAPA ANG MGA KATAGANG “VICARIUS FILII DEI”, DAHIL ANG IMPORTANTE AY IPINAKIKILALA ANG PAPA NG IGLESIA KATOLIKA SA PAMAMAGITAN NITO, NA BILANG KATIBAYAN NA ITO AY KANIYANG TITULO, NA ISA SA EBIDENSIYA NA PINATUTUNAYAN NG BIBLIA NA PAGKAKAKILANLAN SA TAONG INIHALINTULAD SA HAYOP NA ANG KANIYANG PANGALAN o TITULO AY MAY KATUMBAS NA BILANG NA 666.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento