Tinututulan niya kasi ang Job 22:15 kung saan sinabi ni Eliphaz na temanita na Nilalakaran ng masasamang tao ANG DATING DAAN.
"Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na nilakaran ng mga masamang tao?"
Hindi nila matanggap na masasamang tao ang lumalakad sa "Ang Dating Daan". Inaakusahan kasi ni Eliphaz si Job na lumalakad sa ang dating daan kahit hindi naman.
Kaya gaya ng laging palusot ng ADD syempre gagamitin nila ang Job 42:7 kaya tinanong natin siya ng ganito:
"Bakit nagalit ang Dios kay Eplihaz?
A. Dahil sinabi nya na masamang tao ang lumalakad sa ANG DATING DAAN
B. Dahil hindi sya nagsalita ng matuwid TUNGKOL SA DIOS"
Narito ang kanyang nakakagimbal na sagot
Wala daw tama sa A or B. Wala nga ba? Tingnan natin.
Job 42:7 "Sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita: Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka't hindi kayo nangagsalita TUNGKOL SA AKIN ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job."
Sablay di po ba? Ang linaw linaw ng dahilan kung bakit nagalit ang Dios kay Eliphaz. Kaya mali ang isinagot ng magiting na boy Flooder. At dahil nga alam niyang pahiya siya sa sagot niya ay tinadtad tayo ng magiting na ADD member ng Flood.
Ito pa ang kataka taka, Kapag ginagamit natin ang Job 22:15 laban sa kanila, ang palusot nila, hindi daw pwede paniwalaan si Eliphaz dahil kalaban at kinapootan ng Dios pero subukan ninyong tanungin kung saang talata mababasa na lumalakad si Job sa Ang Dating Daan? ang isasagot nila ay Job 22:15 din. Yun din mismong sinabi ni Eliphaz na kalaban ng Dios ang batayan nila. Kontra kontra talaga.hahaha
Ang nakakatawa pa, ginamitan na tayo ng magiting na ADD member ng tinatawag na FALLACY of Begging the Question. Kasi nga pahiya na siya.
Ano po ba ang Fallacy of Begging the Question?
“The Fallacy of Begging the Question occurs when a premise of an argument asserts the conclusion” [CRITICAL THINKING: THE ART OF ARGUMENT, by George Rainbolt & Sandra Dwyer, page 177]
Bakit po natin nasabi na ginamitan tayo ng ating kaibigan ng ganitong Fallacy?
Meron kasi akong statement na ganito: "...Inaakusahan ni Eliphaz si Job na kaya sya pinarusahan ng Diyos dhil lumalakad si Job sa Ang Dating Daan na nilalakaran ng masamang mga tao..."
Ang pagkaunawa pala niya sa sinabi ko ay Paniniwala ko din na pinarusahan ng Dios si Job.
Ang linaw linaw naman, na ang binabanggit ko ay ang AKUSASYON ni Eliphaz kay Job. Kumbaga point of view ni Eliphaz sa nangyayari kay JOB ang aking pinupunto. Hindi ko point of view dahila alam naman natin na hindi naman parusa ng Dios ang dinadanas na pagsubok sa buhay ni Job.
Eto matindi, kasi nga mali ang UNAWA ni Nelson Gaupo sa ating statement, kaya eto hamon niya sa atin:
"Kung mabasa ko na hindi pinarusahan ng Dios si job aaminin mo bobo ka talaga pati yang nagturo sayo? Pati yang gumawa ng blog na yan? Oo o hindi"
Para bang bayaning bayani ang dating ni Nelson Gaupo. Kulang nalang ipagtayo siya ng Rebulto. Pero ang hindi niya alam lalo lang nalantad ang KATANGAHAN niya. Hahaha
Maliwanag na gumamit siya ng “FALLACY OF BEGGING THE QUESTION”, dahil gumawa siya ng kaniyang sariling PREMISE na hindi natin paniniwala, na ginawa niyang KONKLUSION sa kaniyang TANONG at nais niyang patunayan natin sa pamamagitan ng PAGSAGOT sa kaniyang tanong. – PANINIWALA NIYA AT UNAWA, TAYO ANG MAGPAPATUNAY , NICE MOVE!
Ang ganitong Fallacy ay ginagamit lamang ng mga mahinang klaseng Debatista kasi nga walang dignidad ang mga ganoong tao. HIndi mo naman kasi mapapamalian ang isang tao kung hindi niya paniniwala ang iyong tututulan. Dapat yung totoong paniniwala niya ang matutulan para naman maitaas mo ang iyong pagkatao. HIndi naman natin kasalanan kung medyo mababa ang IQ ni Nelson Gaupo kaya mahina siya umunawa.
Ngayon, bakit natin nasabi na akusasyon lamang ni Eliphaz ang kanyang sinabi kay Job?
Kasi hindi bagong bagay yun, ano KATUNAYAN?
Job, 15:4-5 "Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios. Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha."
Salita iyan ni Eliphaz kay JOB.
Kaya kung ipipilit ng ADD na lumalakad si JOB sa Ang Dating Daan base sa sinabi ni Eliphaz
Eto ang magiging Problema nila.
1. Lalabas ngayon na naniniwala din sila kay ELIPHAZ na sinasabi nilang kalaban ng Diyos at sa kanila tatama ang verse na ito na ginagamit nila. 2 Chronicles 19:2
" At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon."
2. Mapipilitan din silang tanggapin na tama ang akusasyon ni Eliphaz kay job sa JOB 15:4-5
Kaya wala silang lusot kahit magpalusot ang mga ADD member na gaya ni Nelson Gaupo.
Hanggang sa muli.